Last time I posted about our second anniversary and I was so happy. And everyone thought na happy ending na naman. Akala ko din. Pero tama nga ang quotation na "People change. Memories don't" Lahat ng tao nagbabago. Physically, Emotional, o kahit ano pa yan.
Dumating kami sa point na nagsasakitan na kami pero dahil mahal ko pinapatawad ko pa din siya. Ganun ata talaga pag nagmahal ka. Magpapakatanga ka. Away-bati hanggang sa sabihin ang katagang "Ayoko na. Maghiwalay na lang tayo." Aaminin ko di ko fully meant yung sinabi ko na yun via text. Siguro nung time na yun sobrang nasasaktan na ako at inaamin na sa sarili ang gaga ko na talaga. Akala ko hindi siya papayag kasi syempre kahit naman ganun yun mahal ako nun kaya nya nga ako niligawan di ba? Pero pumayag siya "Talaga! Magbreak na tayo! Ayoko na sayo! Sawa na ako sayo!" dami pa niyang sinabi na negative. Iyak lang ako ng iyak. Siguro siya sobrang saya niya nun kasi malaya na siya.
Dumating pa nga ako sa point na hinahabol ko siya just to save our relationship. Ganun ata talaga pag inakala mo na siya na ang "The one" mo. pero napagod din ako maghabol. I started to moved on and live my life forward pero isang araw nagchat siya. "Miss na daw niya ako" hanggang sa gusto niyang mangyare na KAMI PERO HINDI KAMI. Ayun yung kilos nyo parang may relasyon pero walang label. Syempre umandar na naman pagiging tanga ko pumayag ako. Pero di rin nagtagal yun. Nakapag vacation pa nga kami sa Quezon Province eh nang ganun ang estado ng relasyon namin. He even invited me to his family vacation since close ko naman ang family niya. And they don't know the real status of our relationship. Alam kong mali pero ganun ata talaga "masarap ang bawal" hanggang nung sa pag-uwi kami galing QP tinanong ko siya kung ano ba kami? Ang sagot niya "Mahal kita pero gusto ko muna maramdaman maging binata ulit. Yung walang magbabawal sa akin. Yung walang iniisip..." dami pa niyang sinabi pero ang sagot ko sa kanya "Masaya ako kasi nakakapagdecide ka na ng ganyan" I even said to him na I will wait for him to come back to me. I said to him "Iloveyou" pero sa sagot niya doon ako natauhan. "THANK YOU" ang sagot niya.
And ayun nasuntok ako ng katotohanan...na even you wait for him to do his stuff, you'll never be good enough for him because he doesn't really want you and love you. Ayaw ka lang niya pakawalan pero di ka na niya gusto bilang girlfriend niya. Doon ko na nadecide na fully mag move on na.
Tinitignan ko pa din minsan profile niya. I didn't unfriend him or anything. Sa instagram lang. Pero di na yung tipong pag may makita kang di kanais nais iiyak ka. Ayun siguro ang tinatawag na acceptance. :) Ngayon masaya ako dahil nakabangon ako. ganun naman talaga di ba dapat kapag nadapa...masasaktan ka pero kailangan mo tumayo at tanggapin. Ganun na ako ngayon. :) I just lived my life in right way.
I know there's no proper closure to our relationship. Kung tatanungin nyo ko kung napatawad ko na ba siya...siguro ang sagot ko sa inyo at palagi kong sagot sa inyo "dadating din tayo diyan"
And I'm happy for him. To his new relationship and I hope ayun na talaga ang right one for him.
Now...I'm 1 year and a half na single. May nanligaw pero di pumasa. Di naman ako nagmamadali eh. That's one of the lesson I've learned in this relationship. Wala sa tagal yan. Nasa nararamdaman nyo yan sa isa't-isa.
JUNE 21, 2016
He chat me on messenger. Just random chat "Hi pi. Kamusta?" then as the chat went on...Lagi niya iniinsist yung nakaraan namin. Ibang iba daw ako sa gf niya, Konting away lang daw nakikipag break na yung girl, blah blah... I don't know kung anong gusto niya sakin. Kung bat nagparamdam pa siya. Does he want me back? Does he want me to feel miserable again? Gusto niya ba ipamukha na masaya buhay niya knowing na i'm still single. Kung ano man yan... IDGAF! Get his actions straight! Actions still speaks louder than words.